Categories
My unsent letters Post-bank

Bakit (Why)

Noong sabado ko pa iniisip, Ano kaya Ang pwede mong isagot sa tanong na bakit? Bakit bigla kang Lumayo, bakit ako’y di na sinusuyo. Ang hirap pala, Ang sakit sa Dibdib. Baka naman pwedeng magpakatotoo na at Sabihin saakin, sagutin ang tanong na bakit.

Noong sabado ko pa iniisip, Ano kaya Ang pwede mong isagot sa tanong na bakit? Bakit bigla kang Lumayo, bakit ako’y di na sinusuyo. Ang hirap pala, Ang sakit sa Dibdib. Baka naman pwedeng magpakatotoo na at Sabihin saakin, sagutin ang tanong na bakit.

Noon sinabi mo na “mahirap akong mahalin.” Hindi ako Naniwala, kasi Alam ko iba ka. Nagtiwala ako, naniwala sa isang Bagay na mas malabo pa sa mata ko. Dahil gusto kita. Gusto kita, kahit Ang hilig mong pagselosin ako. Gusto kita, kahit Alam kong suntok sa buwan Ang pag asa ko sa’yo. Gusto kita, kahit Ilang beses Nang paulit ulit mo kong tinataboy. Gusto kita, tapos! wala ng Iba pa.

Pero di ko itatanggi, malaki din nman ang mali ko. Sa sobrang pagkagusto ko, ipinilit ko sayo mga bagay gusto ko. Sa sobrang pagka. desperado ko binakuran kita sa lahat, natakot akong maiwan mong nkalutang sa ere. 

Patawad, isang salitang madaling sabihin mahirap panindigan. Patawad ang nag Iisang masasabi ko para sa pagkakamaling nagawa natin. Alam ko sa’yo wala Lang ako. Kaibigan, kasabay, kakwentuhan… pero ikaw, Iba ka, walang salita Ang tutumbas sa nararamdaman ko pag tumatawa ka sa tabi ko. Hindi mo Siguro pansin pero ayos Lang. Dahil pagkatapos ng gabing ito, babalik nanaman tayo sa sagot na: “Oo nga, wala nga palang ta’yo”.?

By Zeke

I'm a scholar of life, a philanthropist, a romanticist writer, a philanthropist, an art lover, a book geek, a movie junk, and a story-teller. Zeke is an ever-curious millennial who takes interest in anything but mundane. His stories, insights, essays, and reviews are all drawn from the experiences, the upbringings, and the discoveries profound in life. Behind his bright and sunny personality is his deep curiosity for history, art, and life. In a neverending search for purpose, he strives to understand things by keeping an open mind and communication line.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *