Kung minsan naramdaman mo na Kung paano maging malungkot. Para sa’yo to!!!!!
Minsan naisip ko,
Tama pa ba ang ginagawa ko,
Binababa ang sarili para sa’yo
Kahit magmukha Nang walang modo.
Nang dahil sa isang minsan,
Ako tinuruan mong ika’y pahalagahan,
Pero bakit ngayo’y naririto,
Tuluyan ng nilisan mo.
Ako’y nalulungkot,
Umaasa parin sayong sagot.
Ni minsan ba’y naisip mo,
Ang puso’y di mabilis makalimot
Nang minsan tayo ay nagkausap
Maitutuloy pa ba ang mga pangarap.
Ngunit ako’y iniwan lang,
Di man Lang nagawang humarap.
Hindi ko Alam Kung hanggang Saan pa,
Nagbabakasakaling ito’ kayanin ko pa.
Sana’y Hindi pagsisihan,
Dahil ako’y lilisan na.
Salamat sa lahat ng alaala,
Kahit ito’y bibitawan na .
Ayoko ng masaktan pa,
Ngunit bakit ako’y paulit ulit na umaasa.